Pioneer Hi-Bred Philippines, Inc.

24F Antel Global Corporate Center
Doņa Julia Vargas Avenue
Ortigas Center, Pasig City 1600
Tel: (+63) 2 637-1234
Fax: (+63) 2 687-5114

Mula pa noong 1976 dumating ang Pioneer Hi-Bred Philippines, Inc. sa pangalang Pioneer Overseas Corporation. Noong panahong ito, nagsimula ang kumpanya sa paglikha ng mga hybrid na mais na maaaring itanim sa lokal na kundisyon. Lumabas ang unang produkto nito noong 1981.

Ang Pioneer Hi-Bred Philippines, Inc. ay lubos na pagmamay-ari ng Pioneer Hi-Bred International, Inc. Ang binhing mais na may tatak na Pioneer hybrid ay mabibili sa mga tindahang pang-agrikultura o sa mga “authorized dealer outlets” nito na siyang nag-uugnay sa Pioneer at sa magsasakang Pilipino.

Sa buong mundo, ang Pioneer ang nangunguna sa larangan ng "genetics" sa industriya ng pagsasaka. Itinatag nuong 1926, ang punong tanggapan ng Pioneer ay nasa Des Moines, Iowa sa Estados Unidos. Ang Pioneer ay bumubuo, gumagawa at nag-aalok upang bilhin ang iba’t-ibang uri ng binhi, produktong "microbial" at serbisyo para sa mga nagtatanim ng mais, nag-aalaga ng baboy, baka, o manok, gumagawa ng pagkain para sa mga nabanggit na hayop at sa iba pang mga cliente nito na matatagpuan sa 70 bansa sa buong mundo.